Huwebes, Enero 10, 2013

Buksan ang 'yong isip , Sa ganda ng 'Pinas



O, bayang sinilangan
Ganda mo'y 'di ko man lang naramdaman,
Pagka't noo'y musmos pa lamang
Na hindi binigyang-halaga  ,
Ang tunay na ganda ng aking bayan.

Ngunit ano't hindi pa mapagtanto
Ng tulad kong unti-unti nang natututo
Ako lang ba'y nagbubulag-bulagan
sa aking mga napupuna?

Tulad niyo rin akong noo'y nahirapan
Sa pagpili sa alinman,
Ang manatili sa sulok ng kamangmangan,
O maglakbay at alamin ang mahika 
Ng aking bayan?

Hinayaan ko na lang ang sarili,
Maglakbay gamit ang isip
Sa tulong ng kaalaman at karanasan
Unti-unting natuklasan ang halaga ng bayan .

Ako'y 'di nagkamali ,
Sa landas na piniling tahakin ,
Kaya't nasambit na lamang sa sarili,
Masaya ako't tunay ko ng maipapagmamalaki,
kung anong bayan mayroon ako. 

Ang sarap isiping,
Sa kabila ng hirap at suliranin
Nananatili pa rin mahusay at matagumpay 
Ang ating lupang binigyang-buhay.

Kaya't ikaw,
huwag kang makuntento,
Sa kaalamang natatamo.
Patunayan mong isa kang Pilipino,
Sa pagtuklas ng kagandahan sa bansang kinalugdan mo,
Ang mahal nating bayan , ang Pilipinas!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento