

Sa kasalukuyang panahon , kahit saan ka man tumingin, makikita mo ang iba't ibang malalaki at magagarang gusali. Sa loob nito ay ang mga taong kung hindi mo pa titigan ng mabuti, hindi mo aakalaing Pilipino dahil sa kanilang pananamit at ang kanilang pananalitang Ingles.
Sa mga istasyon ng radio, lagi tayong nangunguna sa bawat nauusong mga banyagang kanta ngunit ni “Hymno ng NCR”, hindi natin alam.Marahil hindi tayo nagiging alerto sa mga bagay na gingawa natin. Mas iniisip natin ang pansariling kagustuhan at kaligayahan kaysa sa mga bagay na mas mahalagang iambag sa ating wika at bansa. Ngayon palang isipin na natin ang mga epejto ng bawat kilos natin at timbangin natin ang mas mahalaga, sarili o bayan?
Hindi tayo bulag upang hindi makita, hindi tayo bingi upang hindi marinig ang mga bagay na unti-unting nakakapagpabagsak sa ating sariling wika. Nakakalungkot isipin na tayo mismong mga Pilipino ay hinahayaang mangyari ang lahat ng ito. Hindi natin kailangan ng mga sinumang tagapayo o diktador upang laging magpaalala sa atin na mali na ang ating mga ginagawa. Tayo ay may sariling isip at kusa na sumuri sa ting mga kinikilos. Sana'y matuto na tayo. Dahil hindi makamtan ng Pilipinas ang minimithing pagbabago at tagumpay kung wala ang ating kooperasyon. Itayo natin ang ating wika at huwag magpasakop sa mga banyagang salita.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento