Huwebes, Enero 17, 2013

       
                                              " Pagkaing Pinoy "


             Marami sa ating mga Pinoy ang pumupunta pa sa ibang bansa upang makatikim ng mga bagong pagkain. Ngunit agad din silang bumabalik dahil hinahanap-hanap agad nila ang panlasang Pinoy. Pati ang mga dayuhan ay kung naghahanap ng magandang bakasyunan, sa Pilipinas pinipiling pumunta dahil bukod sa magagandang tanawin ay kakaiba rin daw ang mga pagkaing Pinoy. Ano nga ba ang sikreto ng mga Pinoy upang makagawa ng masustansya at ubod ng sarap na mga pagkain?

          Sabi nila, ang pagkaing Pinoy daw ay natuklasan sa pamamagitan ng malikhaing pag-iisip at imahinasyon ng mga Pilipino. Minsan sa mga limitadong kasangkapan, nakakagawa na tayo ng panibagong pagkain. Ganyan kagaling ang mga Pinoy. Minsan naman ay kusa na lamang itong nadidiskubre sa hindi inaasahang pagkakataon o di kaya ay sa mga pagkakataong kinakailangan nating makaraos sa bawat araw. At ang iba namang pagkaing Pinoy ay nagmula sa ating mga ninuno o mga dayuhang sumakop sa atin sa loob ng mahabang panahon.

         Madalas ang mga pagkaing Pinoy na inihahain natin ay nakaayon sa mga okasyon. May pagkain para sa mga pista tulad ng Lechon, Lumpia , Mga pagkaing may sarsa, inihaw, at marami pang iba. Mga handa sa kaarawan, pasko at bagong taon tulad ng spaghetti, pansit, shanghai, cake, salad , fried chicken ice cream at marami pang iba.

        Masarap makarinig ng papuri mula sa mga banyagang nagtutungo dito sa ating bansa. Masarap sa pakiramdam na may nagbibigay-halaga sa ganda ng ating bansa. Kaya para mapanatili ito, tangkilikin natin ang pagkaing Pinoy at patuloy itong ipakilala at ipalaganap ang isa sa mayamang kultura ng Pilipinas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento