Martes, Enero 15, 2013

                           "Tradisyon Sa Pilipinas"

       Kung mga kapistahan lamang ang pag-uusapan, angat na talaga ang Pilipinas diyan dahil kahit saang lalawigan sa ating bansa ay may kani-kaniyang pagdiriwang ng kapistahan ng santo,o di kaya'y selebrasyon ng pundasyon ng mga barrio o bayan. May iab rin na ipinagdiriwang ang iba't ibang likas na yaman meron sa kanilang lugar tulad ng prutas, gulay, isda at marami pang iba.

      Ang ilan sa mga sikat na kapistahan dito sa Pilipinas ay Ati-atihan Festival, Pahiyas Festival , Pinagbenga Festival, Dinagyang Festival, Bangus Festival, Tuna Festival, Maskara Festival, at marami pang iba. May kani-kaniyang araw o petsa rin ang pagdiriwang ng kapistahan sa bawat bayan. Kamakailan lang ay ipinagdiwang natin ang kapistahan ng Poong Itim na Nazareno noong Enero 9 na kung saan dinagsa ng milyun-milyong deboto ang dumagsa roon.

      Talagang kahanga-hanga ang mga Pilipino sa usaping tradisyon, kultura, at paniniwala. Bawat pagpapalang naibibigay sa atin ay ibinabalik din natin sa paraang pagbibigay papuri o pagkilala tulad ng pagdiriwang ng mga kapistahan. Dahil para sa atin , patuloy ang pagdating ng mga biyaya kung maisasagawa natin ang mga ito. Hanggang sa ngayon, ay hindi pa rin nawawala ang mga paniniwalang itong mga Pilipino at nais ko sanang patuloy itong lumago at hindi mawal sa pagdaan ng panahon. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento