Lunes, Enero 28, 2013

Hari ng Tondo - Gloc-9 Feat. Denise

a. Pagsusuri sa Pamagat
- Alam natin na ang Tondo ay isa sa mga lugar kung saan laganap ang maraming krimen at kilala natin ang tao roon ay mga basagulero, laging napapaaway at hirap sa buhay. Kaya't kapag naririnig natin ang "Hari ng Tondo" naiisip natin ang lider ng mga taong basagulero at laging nasasangkot sa mga gulo o krimen.

b. Pagkilala sa Awtor
- Si Aristotle Pollisco o mas kilala natin sa pangalang "Gloc-9" ay ipinaganak noong Oktubre 18, 1977. Kilala siya sa kanyang mga pinasikat na kantang Lando, Upuan, Walang Natira, Hari ng Tondo, Sirena at mrami pang iba. Hinangaan natin siya sa kanyang talento sa pagsulat ng awit at sa bilis ng kanyang pagsasalita. Maraming humahanga sa kanyang mga awit dahil ito ay salamin sa buhay ng lahat.

c. Pagsusuri sa Tagpuan
-Inilarawan niya ang Maynila na sa unang tingin animo'y isang mapayapang lugar ngunit sa likod nito, hindi natin napapansin ang mga pangyayari, krimen at iba't ibang transaksyon na na nagaganap dito at lingid sa kaalaman ng lahat lalo na ng pamahalaan.

d. Paglalarawan sa Tauhan
- Inilalrawan niya ang mga taong takot sa mga may kapangyarihan at takot ilahadang mga nasasaksihang krimen dahil inaalala nila ang mga maaaring mangyari sa kanila at sa mga taong nakapaligid sa kanila. Ang mga taong inaabuso ang kapangyarihan at gumagawa ng masama sa lipunan at sa kapwa. At ang mga taong pinipiling gumawa ng masama at kumapit sa patalim kumita lamang ng pera at makaraos lamang sa isang araw.

e. Pagsusuri sa Paksa
- Ito ay tumutukoy sa naging buhay ni Asiong Salonga na naging buhay na rin ngayon ng bawat isa sa atin at naging daan upang ilahad din ang talamak na krimeng nagaganap dito sa ating pamahalaan.

f. Pagsulat ng Sariling Reaksyon
- Ang kantang "Hari ng Tondo" ang kantang para sa atin ay hindi laging napapansin ngunit kung susuriin, ang mensahe nito ay tumutukoy sa realidad na hindi natin nakikita at naoobserbahan lalo na ng pamahalaan. Iminumulat nito ang ating mga mata na dapat pantay-pantay lamang ang pagtingin sa kapwa at dapat mas piliing gumawa ng tama at huwag ipagpapalit kailanman ang dignidad at prinsipyo para sa sariling pangangailangan.









12 komento: